Friday , 23 October 2020
NEWS AND UPDATES
Pamantasang Central Mindanao,  Nagdiwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2020

Pamantasang Central Mindanao, Nagdiwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2020

Noong ika-16 ng Setyembre, nagdaos ng birtuwal na pagdiriwang sa Buwan ng Wikang Pambansa 2020 ang Pamantasang Central Mindanao na may temang “Ang Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika: Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya.”

“Katuwang natin ang Kagawaran ng Edukasyon sa pagsasagawa ng birtuwal na pagdiriwang ng buwan ng wika gamit ang pagtatanghal bilang ambag sa panahon ng pandemya. Gayundin, patuloy ang pagsasagawa ng hakbang ng ating gobyerno upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga kabataan at maihatid ang tamang kalidad ng edukasyon,” sinabi ni Dr. Gladys S. Escarlos, Dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon.

Ayon kay Prof. Fe H. Mantong, fakulti ng Edukasyong Pangwika, “Ang wika ay sandata na makapagbibigay ng lunas o solusyon sa mga problema. Gamit ang katutubong wika o iba pang wikain,  mauunawaan ng bawat isa ang tunay at nararapat gawin para maging ligtas tayo sa pandemya na ating kinakaharap.”

Sinang-ayunan naman ito ng panauhing pandangal na si Dr. Rhoderick V. Nuncio, Dekano ng Kolehiyo ng Malalayang Sining, Pamantasang De La Salle-Maynila, “na ang wika ay nagiging tulay para magbigkis ang lahat ng sektor ng ating bansa.” Dagdag pa niya, “mahalaga ang wika sa panahon ng krisis o sa ano pa mang pang-araw-araw na pangangailangan at pakikipagtalastasan, lalo na sa midyum na ginagamit sa pagtuturo sa loob ng klasrum. Dapat pantay pong itinuturo nang may kahusayan ang wikang Ingles at wikang Filipino.”

Binigyang-empasis din ni Dr. Nuncio na bukod sa Ingles at Filipino, pinapalakas din ng wika ng mga bernakular ang ating bansa. Aniya, “Tulad ng sa Mindanao, napakaraming mga ethnolinguistic na grupo at samakatuwid, maraming wika na dapat nating ipreserba. Dapat nating bantayan upang hindi ito mawaglit sa kinagisnang tradisyon at kultura ng mga katutubo nating kapatid o kapwa Pilipino sa ating bansa.”

Hinikayat din ng tagapanayam ang lahat na buhayin at patatagin pa ang mga katutubong wika ng bansa. “Ito lamang po, sa palagay ko ang magiging daan o magiging hantungan ng ating kaunlaran,” dagdag pa niya.

Iba’t ibang patimpalak din ang isinagawa ng Kolehiyo ng Edukasyon bilang paunlak sa kanilang pagdiriwang. Kabilang na rito ang spoken word poetry, paggawa ng slogan, paggawa ng poster, at pagsulat ng tula. Narito ang listahan ng mga nagwagi sa nasabing patimpalak:

KATEGORYANG SENIOR HIGH SCHOOL

Paggawa ng Slogan

1st-Keren Jhea A. Open (STEM 2A)

2nd-Febbie Jane A. Villarama (ABM 1A)

3rd-Christian Paul E. Pantorilla (STEM 2D)

Paggawa ng Poster

1st-Yshie Shazylle Winsee Tanghal (ABM 1A)

2nd-Jeneshen Rodrigo (STEM 2D)

3rd-Julianna Yecyec (STEM 1E)

Pagsulat ng Tula

1st-Joanna Geredel Vestil (STEM 2B)

2nd-Faye J. Liba (STEM 2D)

3rd-Ricky M. Capangpangan (ABM 1A)

Spoken Word Poetry

1st-Maxine Hablo (STEM 2D)

2nd-Cristina Gambuta (ABM 1A)

3rd-Yukki Sambaan (STEM 1A)

KATEGORYANG KOLEHIYO

Paggawa ng Slogan

1st-Gracielle Mae Mortejo (BSED English 2B)

2nd-April Rose Alay (BSED Filipino 3)

3rd-Errol Dave Requerme (BSED Filipino 1A)

Paggawa ng Poster

1st-Meriam Jackilou Casing (BSED English 1A)

2nd-Lynie Lou Teleron (BSED English 1C)

3rd-Jundy Obquia (BSED Filipino 1A)

Pagsulat ng Tula

1st-Shella Amahoy (BSED Filipino 1B)

2nd-Abigail Sereῆina (BSED Filipino 2C)

3rd-Mivel Egar (BSED Filipino 2B)

Spoken Word Poetry

1st-Micaflor Umbay (BSED English 1B)

2nd-Aljon Galas (BSED Filipino 3)

3rd-Pedrito Sollano (BSED Filipino 2A)

(ATEnguito)
Edited by: Dr. Freddielyn B. Pontemayor

Scroll To Top